SMART/Ph jins lalahok sa World University
MANILA, Philippines – Nakatakdang sumabak ang SMART team sa 2012 World University Taekwondo Championships na nakatakda sa Mayo 25-30 sa Pocheon, Korea.
Itatampok sa event ang mga pinakamahuhusay na university athletes sa mundo. Magsisilbi rin itong preparasyon para sa mga jins na lalahok sa World Cup Championships sa Nobyembre sa Santa Cruz, Aruba.
Inangkin ni Samuel Thomas Morrison ang silver medal noong nakaraang taon sa Shenzen, China, habang palagian namang nag-uuwi ng medalya si veteran internationalist Japoy Lizardo.
Ang SMART squad na magtutungo sa Korea ay kabibilangan ng mga male at female kyorugi (sparring) at poomsae (forms) athletes.
Sa kyorugi (male) ang mga sasabak ay sina finweight Ralph Erick Bunda, flyweight Justin Benedict Medina, bantamweight Paul Romero, featherweight Samuel Thomas Morrison, lightweight Ron Servito, welterweight Christian Al dela Cruz at middleweight Kristopher Robert Uy.
Sa kyorugi (female) lalahok sina Mary Anjelay Pelaez, Ma. Isabella Erika Mora, Karla Jane Alava, Jade Zafra, Jane Rafaelle Narra at Kristie Elaine Alora.
Sina Vidal Marvin Gabriel, Shaneen Ched Sia, Patricia Mae Sembrano at Leonarda Nicole Landrito ang kasali sa poomsae.
Ang koponan ay suportado ng MVP Sports Foundation/SMART Communications, Inc., Philippine Long Distance Telephone (PLDT) at Philippine Sports Commission.
- Latest
- Trending