^

PSN Palaro

Thunder sinipa ang Lakers

-

OKLAHOMA CITY-- Naglista si Russell Westbrook ng 28 points, habang nagtala si Kevin Durant ng 25 points at 10 rebounds para igiya ang Thunder sa 106-90 panalo laban sa Los Angeles Lakers sa Game 5 at wakasan ang kanilang Western Confe­rence semifinals series sa 4-1.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na na­kapasok ang Oklahoma City sa Western Confe­rence finals.

“I think that we kept our composure throughout the fourth, and our poise and we made plays,” sabi ni Durant sa kanilang pana­naig kontra sa Lakers, naka­hugot ng 42 points kay Kobe Bryant.

Sa Western Confe­rence finals, makakalaban ng Thunder ang top-see­ded na San Antonio Spurs, sumasakay sa isang 18-ga­me winning streak at winalis ang Los Angeles Clippers sa kanilang semis series.

Magsisimula ang championship series ng Thunder at Spurs sa Linggo sa San Antonio.

Kumolekta naman si Pau Gasol ng 23 points, 17 rebounds at 6 assists para sa Lakers, habang nagdagdag si Steve Blake ng playoff career-best 19 points.

Sa Boston, umiskor si Brandon Bass ng career playoff-high 27 points, ang 18 ay kanyang ginawa sa third quarter, para tulu­ngan ang Boston Celtics sa 101-85 panalo laban sa Philadelphia 76ers sa Game 5 at kunin ang 3-2 lead sa kanilang Eas­tern Conference semis wars.

Nag-ambag si Kevin Garnett ng 20 points at may 13 points at 14 assists si Rajon Rondo para sa Celtics.

Nakatakda ang Game 6 sa Philadelphia sa Miyerkules.

vuukle comment

BOSTON CELTICS

BRANDON BASS

KEVIN DURANT

KEVIN GARNETT

KOBE BRYANT

LOS ANGELES CLIPPERS

LOS ANGELES LAKERS

POINTS

SHY

WESTERN CONFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with