Bolts nakuryente sa kanilang import
MANILA, Philippines - Tinamaan na naman ng kamalasan ang Meralco Bolts sa 2012 PBA Governors Cup.
Ito ay matapos bumagsak sa height requirement na 6-foot-5 si Juan Pattillo, naging kakampi ni Los Angeles Clippers superstar Blake Griffin sa University of Oklahoma noong 2008-09 varsity season at kumampanya sa NBA D-League para sa Bakesfield Jam.
Dahil dito, muling hinugot ng Bolts si Champ Oguchi na kanilang naging reinforcement sa nakaraang 2011 PBA Commissioner’s at Governors Cup.
“We need someone who can spread the floor and Oguchi is the type of import we need,” sabi ni Meralco head coach Ryan Gregorio sa produkto ng Illinois State.
Ang 6’4 na si Oguchi ay naglista ng mga averages na 28.3 points at 10.3 rebounds per game sa 2011 PBA Commissioner’s at Governors Cup.
Ang 24-anyos na si Pattillo ang ikatlong import na hinugot ng Bolts matapos magkaroon ng injury si Tim Pickett at bumagsak din sa height requirement si dating Los Angeles Lakers’ guard Devin Green.
Makakalaban bukas ng Meralco ang Talk ‘N Text sa alas-7:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Barangay Ginebra at Air21 sa alas-5:15 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.
- Latest
- Trending