^

PSN Palaro

Bradley kumuha ng bagong Sparmate

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Alam ni Timothy Bradley, Jr. na ibang Manny Pacquiao ang kanyang ma­kakaharap sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Inaasahan ng 28-anyos na si Bradley na mas magi­ging agresibo at pursigido ang 33-anyos na si Pacquiao na mapabagsak siya matapos ang kontrobersyal niyang majority decision win laban kay Mexican Juan Manuel Marquez noong Nobyembre 12, 2011.

Kaya naman lahat ng posibleng ipakita ng Filipino world eight-division champion sa gabi ng kanilang laban ay pinaghahandaan na ni Bradley.

“You’ve just got to be pre­pared for every aspect of the game,” ani Bradley. “Regardless of what he’s done in the past. You’ve just got to be ready for every aspect of a fighter’s game. He’s very quick, has great movement, and has great power.”

Pipilitin ni Bradley na agawin kay Pacquiao ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.

Maliban kina Eric Fow­ler, Andre Sherard at dating world champion Julio Diaz, kinuha rin ni trainer Joel Diaz bilang sparmate ni Bradley si Luis Ramos, Jr.

“I’ve got a guy that hits really hard and really makes me open my eyes and be aware of punches coming. I’ve got a guy that is extremely fast. And then I got a guy that moves around a lot. You’re not going to find that one guy that is the total package when getting ready to fight a guy like Manny Pacquiao,” ani Bradley sa kanyang apat na sparmates.

Ang 24-anyos na lightweight na si Ramos, may malinis na 22-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 9 knockouts, ang nagpapabilis sa kilos ni Bradley sa kanilang ensayo.

“He applied pressure and he boxed really well, he moved around really well. He definitely brought it a little bit today and I was happy with that,” wika ni Bradley kay Ramos.

Mula sa isang four-minute round sa kanyang mga sparring sessions, ibinaba na ito ni Diaz sa tatlong minuto halos tatlong linggo bago ang kanilang suntukan ni Pacquiao.

Sa kanya namang three-week, high-altitude training sa Baguio City noong Abril, nakasabayan ni Pacquiao sina Russian sparmates Ruslam Provodnikov at Rustam Nugaev.

Nakatakdang simulan ni Pacquiao ang paggawa ng pelikulang ‘Brass Knuckles’ sa susunod na buwan kasama si Fil-Am Hollywood actor Rob Schneider.

Sa pelikula, gaganap si Pacquiao bilang isang gangster at tiyuhin ni Schnei­der.  

ANDRE SHERARD

BAGUIO CITY

BRADLEY

BRASS KNUCKLES

ERIC FOW

FIL-AM HOLLYWOOD

JOEL DIAZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with