^

PSN Palaro

Farewell Performance

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Ito na nga kaya ang huling conference ni Vincent “Chot” Reyes bilang head coach ng Talk N Text sa Philippine Basketball Association?

Bago kasi nag-umpisa ang 37th season ng PBA ay inihayag ng Talk N Text na sa susunod na season ay si Reyes na ang hahawak sa Smart Gilas II na ang target ay ang makabalik naman sa World Championship ng basketball.

Matagal na rin kasi tayong hindi nakakapag-qualify sa World Championship at hindi nakapaglalaro doon.

 Para ba’ng pareho ang sitwayson sa Olympics. Kasi nga, nang magsimula ang PBA at naging miyembro ng FIBA ang China, hindi na namayagpag sa Asian level of basketball ang Pilipinas.

Ang unang Smart Gilas program ay hinawakan ni Rajko Toroman sa ilalim ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Ang layunin ng programang ito ay ang makabalik sana sa Olympics na gaganapin sa London sa susunod na buwan. Ibinuhos ng SBP ang lahat ng attention at resources sa programang ito. Kumuha pa nga tayo ng Amerikano at ginawa nating naturalized Filipino para kahit paano’y lumakas ang team. Pero kahit na nakapaglaro si Marcus Douthit ay hindi pa rin tayo lumusot sa qualifying tournament at tuluyan tayong nabigo sa pag-asang makabalik sa Olympics.

Hindi na ni-renew pa ang kontrata ni Toroman matapos ang kabiguang iyon at ngayon ay nasa kampo na siya ng San Miguel Corporation. Tinutulungan ni Toroman ang tatlong teams ng SMC--Petron, B-Meg at Barangay Ginebra na bahagi ng PBA at ang San Mi­guel Beermen sa Asean Basketball League.

 So, pagkatapos ng kasalukuyang season ay pag­tutuunan na ni Reyes ng pansin ang Smart Gilas II. Katunayan ay nagsumite na siya ng listahan ng mga PBA players na nais niyang maging bahagi ng national pool. At aprubado naman ito ng PBA mismo.

 Alam na rin naman ng lahat kung sino ang hahalili kay Reyes bilang head coach ng Talk N text kapag iniwan niya ito. Itoy walang iba kundi si Norman Black na kasalukuyan nilang consultant. At hindi ba’t kamakailan ay kinuha na rin ng TNT bilang isa sa mga assistant coa­ches si Sandy Arespacochaga na assistant ni Black sa Ateneo.

Ito nga ang magiging huling season ni Black bilang coach ng Blue Eagles sa UAAP at nais din niyang iwan ang collegiate league bilang champion.

Hangad sana ni Chot na sa kanyang huling taon sa Talk N Text ay maigiya niya ang tropang Texters sa Grand Slam na nakaalpas sa kanilang kamay noong nakaraang taon. Pero hindi pala iyon itinadhana. Matapos na magkampeon ang Talk N Text sa Philippine Cup ay nabigo sila na mapanatili ang titulo sa Commissioner’s Cup kung saan pinatalsik sila sa kanilang kinaluluklukan ng B-Meg Llamados.

In effect, there will be no Grand Slam sa season na ito. Bigo si Reyes sa kanyang hangarin.

 Pero hindi nangangahulugang tapos na ang lahat.

 Kasi, may isa pang kampeonatong puwede nilang maibulsa at ito ay ang sa Governor’s Cup na nagsimula kahapon.

 Kung noong nakaraang season ay nasilat sila ng Petron Blaze, sila naman siguro ang babawi ngayon. Intact ang Talk N Text, kabisado nito ang import na pinarating. At tila magaling na sa injuries ang mga manlalaro ni Reyes.

Isang magandang farewell performance para kay Reyes ang dapat na iregalo sa kanyang ng Tropang Texters.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

GRAND SLAM

PERO

REYES

SMART GILAS

TALK N TEXT

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with