4 team mag-uunahan sa panalo
Manila, Philippines - Sisimulan ng Petron Blaze ang pagdedepensa ng kanilang titulo laban sa Powerade sa pagbubukas ng 2012 PBA Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.
Sasagupain ng Boosters, ipaparada si dating Chicago Bulls Eddie Basden, ang Tigers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Rain or Shine at Alaska Aces sa alas-4:15 ng hapon.
Makakasabayan ng 6-foot-5 na si Basden para sa Petron ni head coach Ato Agustin ang mga nagbabalik na sina Jay Washington, Dondon Hontiveros at rookie Chris Lutz bukod pa sa mga hugot na sina rookie Fil-Am Marcio Lassiter at 6’6 center Dorian Peña na nanggaling sa Powerade at Barako Bull, ayon sa pagkakasunod.
Natunghayan ang 29-anyos si Basden sa 19 laro para sa Bulls noong 2005-06 NBA season kung saan siya nagtala ng average na 2.1 points per game.
Itatapat ng Tigers ni mentor Bo Perasol si 6’4 import Rashad McCants, naglaro sa North Carolina Tar Heels na binigyan niya ng NCAA crown noong 2004-2005 season at naging first round pick ng Minnesota Timberwolves noong 2005 NBA Draft, katulong nina Gary David, Sean Anthony at JVee Casio.
Sa unang laro, muli namang hinugot ng Alaska ni Luigi Trillo si Jason Forte na makakasabayan si 6’5 Jamelle Cornley ng Rain or Shine ni Yeng Guiao.
- Latest
- Trending