^

PSN Palaro

Semis asam ng Lady Altas

- Ni ATan -

Manila, Philippines -  Maging ikatlong kopo­nan na nasa semifinals ang balak angkinin ngayon ng NCAA champion Perpetual Help sa pagpapatuloy ng aksyon sa 9th Shakey’s V-League quarterfinals na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

May 3-1 karta ang Lady Altas na susukatin ang husay ng nagkukumahog na University of St. La Salle Bacolod sa unang tagisan sa alas-2 ng hapon.

Triple-header uli ang matutunghayan sa araw na ito sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza at ang iba pang bakbakan ay sa pagitan ng San Sebastian at FEU dakong alas-4 at UST kontra sa Ateneo dakong alas-6 ng gabi.

Ang bakbakan ng nagbabalik na Lady Tigresses at Lady Eagles ay no-bearing na dahil parehong selyado na nila ang puwesto sa Final Four sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

 Ngunit totodo pa rin ang manlalaro ng magkabi­lang koponan dahil ang mananalo ay patuloy na magpaparada ng malinis na karta.

Sa ngayon ay una ang Ateneo sa imakuladang 6-0 baraha habang 4-0 naman ang karta ng UST.

May 3-1 karta ang Lady Altas para malagay sa ikatlong puwesto at kailangan lamang nilang maipanalo ang isa sa huling tatlong laro para makapasok sa Final Four.

Inaasahang bibigyan sila ng matinding laban ng Lady Stingers na sa 2-4 baraha ay kailangang maipanalo ang huling laro na ito para manatiling buhay ang katiting na tsansa para sa playoff sa ikaapat na huling puwesto sa semifinals.

Ang Lady Stags ay lalapit din sa puwesto sa Final Four sa pag-asinta ng panalo sa Lady Tamaraws na sa 1-4 karta ay dapat ding manalo sa huling dalawang laro upang magkaroon ng tsansa sa playoff.

ANG LADY STAGS

ATENEO

FINAL FOUR

LADY

LADY ALTAS

LADY EAGLES

LADY STINGERS

LADY TAMARAWS

LADY TIGRESSES

PERPETUAL HELP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with