^

PSN Palaro

Gabuco tinalo si Xu para sa gold

- Ni ATan -

Manila, Philippines -  Nagbunga ang pagtitiyaga ni Josie Gabuco nang hiritan ng 10-9 come-from-behind panalo si China’s Xu Shiqi upang kunin ang ginto sa light flyweight division sa pagtatapos kahapon ng 2012 AIBA World Women’s Boxing Championships sa Olympic Stadium sa Qinhuangdao, China.

Nakita ang sariling na­pag-iwanan sa unang dalawang rounds, 1-2 at 3-5, nagtrabaho nang husto ang 25-anyos at tubong Puerto Princesa na si Gabuco sa huling dalawang rounds para maibangon ang sarili at maging kauna-unahang World champion ng Pilipinas.

 Pinahirapan ni Gabuco si Xu gamit ang kanyang kanang kamao para kunin ang panalo sa third, 4-3, at sa fourth at huling round, 3-1, para sa isang puntos na panalo.

 Naunang nagpakita ng husay sa counter-punching ang mabilis na kumilos na si Xu upang makuha ang abante sa naunang rounds.

 Pero mas naging agre­sibo si Gabuco sa ikatlong round at ang walang tigil na pag-atake ay nagresulta sa pagbukas din ng depensa ng Chinese boxer na kung saan siya umani ng puntos.

Bago natapos ang third round ay binawasan ng puntos si Xu dahil sa palagiang pagdulas na tila kanyang diskarte para masira ang momentum ni Gabuco.

Ang gintong medalya ang pinakamataas na na­abot ng isang amateur bo­xer ng bansa na lumaban sa world championships, mapalalaki man o babae.

Sina Roel Velasco at Harry Tanamor ay umani ng pilak sa World Amateur Boxing Championships noong 1997 sa Budapest at 2007 sa Chicago, USA ha­bang si Annie Albania ang unang lady boxer ng bansa na nanalo ng pilak na nangyari noong 2008 sa Nimbo, China.

Sa China rin unang na­nalo ng medalya si Gabuco nang malagay ito sa ikatlong puwesto tungo sa bronze sa 46-kgs division.

ANNIE ALBANIA

BOXING CHAMPIONSHIPS

GABUCO

HARRY TANAMOR

JOSIE GABUCO

OLYMPIC STADIUM

PUERTO PRINCESA

SA CHINA

SINA ROEL VELASCO

WORLD AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with