^

PSN Palaro

P1M MVP-PBaRS circuit hahataw ngayon sa Cebu

-

MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon ang agawan para sa prem­yo, ranking points at posibleng tiket para sa national pool sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ran­king System (PBaRS) circuit sa Metro Sports Center sa Lahug, Cebu City.

Kabuuang 63 singles matches at walong doubles ang nakalatag para sa unang araw ng nasabing five-day championship na pa­sisimulan ng isang three-leg nationwide circuit.

Ang circuit tour, magta­tampok sa Open, Under-19 at U-15, ay naghahangad ring makadiskubre ng mga bagong talento na ma­aaring sanayin bilang miyembro ng national pool na hahawakan ni Olympic gold medal coach Rexy Mainaky.

Kaagad makikita sa first round ng event na itinataguyod ng GOAL Pilipinas ang mga seeded entries na pamumunuan ng mga mi­yembro ng national team sa kanilang paglahok sa kani-kanilang dibisyon bukas.

Ang mga laro sa 64-player field boys’ U-19 ay magsisimula sa alas-9 ng umaga tampok ang la­ban nina John Diamante at Paolo Barrios, ang banggan nina Jan Sinfuego at John Lozada, ang salpukan nina Paul Gonzales at John Quibranza at ang paghaharap nina Joshua Rio at Christian Cuyno.

Ang mga laro sa men’s Open singles ng torneong inorganisa ng Philippine Badminton Association sa pangunguna nina Vice President Jejomar Binay, chairman at sports patron Manny V. Pangilinan at sec-gen Rep. Albee Benitez ay hahataw sa alas-9:30 ng umaga.

Sina Toby Gadi at Markie Alcala, winalis ang Open at U-15 titles noong nakaraang taon sa four-leg inaugurals ng event na suportado ng Gatorade, Krav Maga Phils., Sincere Construction and Development Corp., Vineza Industrial Sales, Victor PCome Industrial Sales, TV5 at Badminton Extreme Magazine ay makikita sa aksyon bukas.

ALBEE BENITEZ

BADMINTON EXTREME MAGAZINE

CEBU CITY

CHRISTIAN CUYNO

INDUSTRIAL SALES

JAN SINFUEGO

JOHN DIAMANTE

JOHN LOZADA

JOHN QUIBRANZA

JOSHUA RIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with