^

PSN Palaro

18 gold nakataya sa 2nd Nikki Coseteng Cup

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - Pagkakataong umani ng atensyon ang ibinibigay sa may 300 manlalangoy na kasali sa 2nd Nikki Coseteng Swimming Championships na bubuksan ngayong umaga sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Dalawang araw magaganap ang nasabing kompetisyon na inorganisa ng Philippine Swimming Lea­gue at Diliman Preparatory School at may 18 ginto ang paglalabanan ngayon sa iba’t ibang age groups.

Ang mga kalahok ay hi­nati sa mga age groups mula 10-under hanggang 18-over at ang mga la­la­bas na mahuhusay o ma­kakaabot sa mga itinalagang qualifying times ay masasama sa listahan ng mga sasanayin para makonsidera sa paglahok sa 2013 World University Games swimming event sa Kazan, Russia.

“Ito ang ikalawang tryouts na aming isinasagawa para makuha ang pinakamahuhusay na swimmers na ilalaban sa World University Games. Ang mga mapipili ay sasanayin sa loob ng isang taon para makapagbigay sila ng magandang laban,” ani Coseteng.

Maisasagawa uli ang kompetisyong ito dahil na rin sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinangungunahan ni chairman Ricardo Garcia na pumayag na ipagamit ang pool kahit hindi kiniki­lala ang PSL ng PASA o ng POC.

COSETENG

DALAWANG

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

NIKKI COSETENG SWIMMING CHAMPIONSHIPS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE SWIMMING LEA

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL SWIMMING POOL

WORLD UNIVERSITY GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with