^

PSN Palaro

Boosters vs Tigers opening salvo ng PBA Governor's Cup

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kaagad na magdedepensa ng kanilang korona ang Petron Blaze sa pagsagupa sa Powerade sa pagsisimula ng 2012 PBA Governors Cup bukas sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Magtatapat ang Boos­ters at ang Tigers sa alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Rain or Shine Elasto Painters at Alaska Aces sa alas-4:15 ng hapon.

Itatampok ng Petron Blaze, tinalo ang Talk ‘N Text sa championship series ng 2011 PBA Go­vernors Cup, si import Eddie Basden at ang muling paglalaro nina Jay Wa­shington, Dondon Hontive­ros at rookie Chris Lutz.

Nakita ang 29-anyos at 6-foot-5 na si Basden sa 19 laro para sa Chicago Bulls noong 2005-06 NBA season kung saan siya nagtala ng average na 2.1 points per game.

Nahugot rin ng Petron sina rookie Fil-Am Marcio Lassiter at 6’6 center Dorian Peña mula sa Powerade at Barako Bull, ayon sa pagkakasunod, sa pamamagitan ng trade.

Kaugnay nito, ipaparada naman ng Meralco si Juan Patillo, naging kakampi ni Los Angeles Clippers superstar Blake Griffin sa University of Oklahoma noong 2008-09 varsity season at kumampanya sa NBA D-League para sa Bakesfield Jam.

Ang 24-anyos na si Patillo ang ikatlong import na hinugot ng Bolts matapos magkaroon ng injury si Tim Pickett at bumagsak sa height requirement na 6’5 si Devin Green.

 Samantala, isang 16-man PBA selection na ga­gabayan ni B-Meg coach Tim Cone ang makakaharap ng Shanghai Sharks sa isang goodwill game sa Hunyo 28 sa MOA Arena sa Pasay City.

Ang Shanghai Sharks ay kasalukuyang No. 6 sa Chinese Basketball Association.

ALASKA ACES

ANG SHANGHAI SHARKS

ANTIPOLO CITY

BAKESFIELD JAM

BARAKO BULL

BLAKE GRIFFIN

CHICAGO BULLS

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

CHRIS LUTZ

PETRON BLAZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with