Gabuco sa semis, Aparri sibak na

 QINHUANGAO, China --Umabante sa semifinal round si Josie Gabuco, habang nabigo naman si Alice Kate Aparri sa quarterfinals sa AIBA World Women’s Championships.

Pinayukod ni Gabuco si Canadian Kim Klavel, 21-15, upang makapasok sa semifinals sa torneong nilahukan ng kabuuang 305 women boxers mula sa 70 bansa.

Kinuha ng 25-anyos na veteran boxer mula sa Palawan ang first round, 5-3, second round, 10-7, at third round, 16-10, patungo sa kanyang 21-15 tagumpay laban kay Klavel.

Makakatapat ni Gabu­co sa semis ngayon si Svetlana Gnevanova ng Russia na isang gold me­dalist sa World Cup of Petroleum noong nakaraang taon.

Pumasok si Gnevanova sa semis mula sa kan­yang 13-11 pananaig laban kay Pinki Jangra ng India.

Natalo naman si Aparri kay Terry Gordini ng Italy buhat sa mga iskor na 2-3 sa first round, 5-5 sa se-cond round at 7-7 sa third round at 10-10 sa fourth round.

Ang pagkakatabla ay nadetermina sa pamama­gitan ng countback base sa computer scoring system patungo sa panalo ni Gordini.

Show comments