Gabuco sa semis, Aparri sibak na
QINHUANGAO, China --Umabante sa semifinal round si Josie Gabuco, habang nabigo naman si Alice Kate Aparri sa quarterfinals sa AIBA World Women’s Championships.
Pinayukod ni Gabuco si Canadian Kim Klavel, 21-15, upang makapasok sa semifinals sa torneong nilahukan ng kabuuang 305 women boxers mula sa 70 bansa.
Kinuha ng 25-anyos na veteran boxer mula sa Palawan ang first round, 5-3, second round, 10-7, at third round, 16-10, patungo sa kanyang 21-15 tagumpay laban kay Klavel.
Makakatapat ni Gabuco sa semis ngayon si Svetlana Gnevanova ng Russia na isang gold medalist sa World Cup of Petroleum noong nakaraang taon.
Pumasok si Gnevanova sa semis mula sa kanyang 13-11 pananaig laban kay Pinki Jangra ng India.
Natalo naman si Aparri kay Terry Gordini ng Italy buhat sa mga iskor na 2-3 sa first round, 5-5 sa se-cond round at 7-7 sa third round at 10-10 sa fourth round.
Ang pagkakatabla ay nadetermina sa pamamagitan ng countback base sa computer scoring system patungo sa panalo ni Gordini.
- Latest
- Trending