MANILA, Philippines - Dadalhin ng nangungunang wireless services provider na Smart Communications, Inc. (Smart) ang kanilang taunang pro-environment running event sa probinsya ng Sarangani.
Idinaos sa Davao City noong nakaraang taon, ang edisyon ngayong “Run for the Environment” ay pamamahalaan ng local government ng Sarangani and kasabay ng pagdiriwang ng Sarangani Bay Festival.
Ang fun run, nagbukas ng 5k at 10k categories para sa mga running enthusiasts, ay pakakawalan bukas.
Ang assembly time ay sa ganap na alas-4:30 ng umaga sa lugar ng Sarangani Bay Festival sa pagitan ng White Haven at Rosal Beach Resort sa Gumasa, Glan, Sarangani.
Ang 10k race ay magsisimula sa alas-5:30 ng umaga at ang 5k race ay sa 5:45. Ang naiibang fun run course ay tatakbuhin sa mga sementadong kalsada at maputik na daan na dadaan sa baybayin ng Sarangani Bay.
Ang pondong malilikom sa event ay ibibigay sa World Wide Fund for Nature (WWF) – Philippines para suportahan ang Smart at marine conservation program ng WWF sa Mindanao na naglalayong protektahan at paramihin ang mga endangered marine animals kagaya ng mga dugongs at sea turtles.
Ang mga interesadong runners ay maaaring magpalista sa Smart Store sa Robinsons Mall Gensan, PLDT building sa Biatiles St. sa General Santos City, Alabel Town Center, Provincial Governor’s Office at DTI in Alabel, Sarangani.