^

PSN Palaro

The Older The Better

PRESS ROW - Abac Cordero -

Kung kelan yata tumatanda itong si Brian Viloria ay lalung gumagaling. Parang diesel ng makina. Matagal mag-init. Parang wine. It gets better with age.

Maraming pinahanga ang 31-year-old na si Viloria noong Linggo sa kanyang umaatikabong panalo kay Omar Niño Romero sa Ynares Sports Center sa Pasig.

Tanghali ginanap ang laban at kasing-init ng haring araw si Viloria sa loob ng ring. Knockout sa ninth round ang dinanas ng dayo na galing Mexico.

Pinupog ng husto si Romero na nahirapang magpadapo ng suntok laban sa mailap na Fil-Hawaiian na si Viloria, ang WBO champion sa light-fly (112 lb) division.

Mula simula ay nakalamang na agad si Viloria. Magaling magpatama, mabilis ang mga paa at kamay at sa mukha pa lang niya ay alam mong kumpiyansa.

Para ngang mas magaling pa si Viloria ngayon na siya ay 31 years old na kumpara nung siya ay lumaban pa sa Olympics o nang siya ay mag-professional.

Kung ngayon lang siya lumaban sa Olympics ay baka manalo pa ng gold medal.

May ganyan talagang boksingero. Gumagaling habang nagkaka-edad. At isa lang dito si Viloria, na desididong hawakan ang korona hanggang kaya niya.

Masaya siya sa pagkapanalo kay Romero dahil ikatlong laban na nila ito, at sa unang dalawa ay nabigo si Viloria laban sa dating world champion sa light-fly (108 lbs) class. Tinalo ni Romero si Viloria sa unang laban nila nung 2006 at sa rematch ay nag-draw naman sila. Pero bumagsak si Romero sa drug test pagkatapos ng laban.

Dahil dito, naging no-contest ang laban. Matagal hinangad ni Viloria na makabawi. At dumating lang ang pagkakataong ito noong Linggo.

Hindi niya sinayang ang pagkakataon.

Sa nakalipas na dalawang taon ay malaking hirap ang ginugul ni Viloria sa training, mula nang ma-knockout siya ni Carlos Tamara sa Cuneta Astrodome noong 2010.

Madami ang nagsabi noon na dapat na siyang mag-retire at isa na ako dun. Pero buo ang loob ni Viloria at imbes na tumigil ay lalu pang nag-pursigi.

Maganda ang naging kapalit --dikit-dikit na panalo, kabilang na diyan ang laban niya kay Julio Cesar Miranda kung kanino niya hinablot ang titulo.

Nadepensahan niya ito laban kay Giovani Seguro nung December, at nung Linggo nga ay dumating ang isa pang malaking panalo.

Sige pa Viloria. Keep on punching.

BRIAN VILORIA

CARLOS TAMARA

CUNETA ASTRODOME

GIOVANI SEGURO

JULIO CESAR MIRANDA

LABAN

LINGGO

MATAGAL

OMAR NI

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with