Romero humihirit uli ng laban kay Viloria pero...
MANILA, Philippines - Gusto uling labanan ni Omar Niño Romero si Brian Viloria pero dapat na mangyari ito sa bansang kanyang sinilanganan, sa Mexico.
Lumasap ng 9th round technical knockout na pagkatalo ang 36-anyos na si Romero noong Linggo nang itigil ni referee Michael Ortega ang laban sa 2:07 sa round nang hindi na makatugon sa mala-rapidong suntok na pinakawalan ni Viloria.
Ito ang ikatlong pagkikita ng dalawa at napanatili ni Viloria ang titulo sa WBO flyweight sa paghagip ng unang panalo matapos lumasap ng talo at no contest decision sa naunang tagisan noong 2006.
Ang naunang dalawang laban ay ginanap sa US at matapos ang pagpayag na tumungo sa Pilipinas at dito gawin ang laban, hiling ni Romero na sa Mexico naman gawin ang ikaapat na pagtutuos na kung saan tiniyak niyang mananalo siya.
“I want another fight with Viloria, this time in Mexico. I gave him a chance by coming to the Philippines. In Mexico, I’ll be with my people. I’ll beat him in Mexico,” wika ni Romero.
Nagpahayag din si Romero ng pagkadismaya nang itinigil ng referee ang laban dahil hindi naman siya nasaktan ni Viloria.
“I wasn’t hurt. Viloria didn’t shoe me anything different from our first two fights. He fought the same way,” dagdag ni Romero na nalasap ang ikalimang kabiguan matapos ang 39 laban.
Wala namang duda na panalo si Viloria dahil ang tatlong hurado na sina Danrex Tapdasan ng Pilipinas, Glen Fi=eldman ng US at Carlos Ortiz Jr. ng US ay pawang nagbigay ng kalamangan kay Viloria, 80-71, 80-71, 79-72, bago itinigil ang laban.
- Latest
- Trending