Bagsit kumuha ng bronze sa Grand Prix

MANILA, Philippines - Tumaas man ang antas ng kompetisyon ay hindi na­man nabokya ang Pilipinas sa second leg ng Asian Gran Prix sa Thailand.

Si Archand Christian Bagsit ang naghatid ng karangalan nang kunin ang bronze medal sa paboritong 400-meter run sa Kanchanaburi, Thailand noong Mayo 11.

Si Bagsit ay naorasan ng 47.80 segundo sa first leg at malagay sa pang apat ay nagtala ng 47.44 ti­yempo pa­ra sa bronze me­dal.

Si Marestella Torres ay tu­mapos sa pang limang pu­­westo sa long jump sa kan­yang lundag na 6.42 me­ters.

Napunta ang ginto kay Lu Minjia ng China sa 6.64m ka­sunod sina Johny Mayookha ng India (6.48) at Juliya Ta­rasova ng Uzbekistan (6.47m)

Nabigo rin sina Henry Dagmil at Danilo Fresnido sa ka­nilang mga sinalihang men’s long jump at javelin throw events, ayon sa pagkakasunod.

Tumapos si Dagmil sa ika­apat sa kanyang 7.46m, ha­bang nasa ikawalong pu­westo si Fresnido (61.86m).

Show comments