Cycling nagdamdam sa pagkakapuwera sa kanila ng PSC at POC sa 10 focus sports

MANILA, Philippines - Dinamdam ng organi­zer ng taunang Le Tour de Fi­lipinas ang hindi pagkaka­bilang ng cycling sa 10 fo­cus sports ng Philippine Sports Commission (PSC) pa­ra sa 2011-2016 Philippine Sports Roadmap.

“If you review the results of this year’s Le Tour de Fil­ipinas, you will note that the Philippines emerged as the overall winner, both in the individual and team ca­tegories,” wika ni Le Tour or­ganizer Gary Cayton ng Dynamic Outsource Solutions, Inc. sa kanyang su­lat sa Philippine Olympic Committee (POC).

Hindi isinama ng PSC at POC sa kanilang listahan ang cycling.

Ang 10 focus sports sa Road Map program na pi­nangakuan ni Pangulong Be­nigno ‘Noynoy’ Aquino III na bibigyan ng suportang P1 bilyon ay ang mga Olympic sports na boxing, taekwondo, athletics, swimming, archery, wrestling at weightlifting at mga non-Olympic sports na wushu, billiards at bowling.

“It is therefore a surprise to many that the President failed to mention cycling as one of the sports events that the PSC identified in its 10-sport ‘focus’ program,” dagdag pa n Cayton.

Show comments