Cycling nagdamdam sa pagkakapuwera sa kanila ng PSC at POC sa 10 focus sports
MANILA, Philippines - Dinamdam ng organizer ng taunang Le Tour de Filipinas ang hindi pagkakabilang ng cycling sa 10 focus sports ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa 2011-2016 Philippine Sports Roadmap.
“If you review the results of this year’s Le Tour de Filipinas, you will note that the Philippines emerged as the overall winner, both in the individual and team categories,” wika ni Le Tour organizer Gary Cayton ng Dynamic Outsource Solutions, Inc. sa kanyang sulat sa Philippine Olympic Committee (POC).
Hindi isinama ng PSC at POC sa kanilang listahan ang cycling.
Ang 10 focus sports sa Road Map program na pinangakuan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na bibigyan ng suportang P1 bilyon ay ang mga Olympic sports na boxing, taekwondo, athletics, swimming, archery, wrestling at weightlifting at mga non-Olympic sports na wushu, billiards at bowling.
“It is therefore a surprise to many that the President failed to mention cycling as one of the sports events that the PSC identified in its 10-sport ‘focus’ program,” dagdag pa n Cayton.
- Latest
- Trending