Sparring ni Pacquiao pinulaan ni Diaz
MANILA, Philippines - Walang mahahanap sina Manny Pacquiao at trainer Freddie Roach ng mga sparring partners na makakagaya sa istilo at makakasukat sa lakas ni Timothy Bradley, Jr.
Para magaya ang 28-anyos na si Bradley, kinuha ni Roach sina Russian fighters Ruslan Provodnikov at Rustam Nugaev sa tatlong linggong high-altitude training ni Pacquiao sa Baguio City.
Ngunit tinawanan lamang ito ng trainer ni Bradley na si Joel Diaz.
"There’s no such thing as finding a perfect sparring for every individual in the world. You can find something similar or you can have a fighter sort of similar to what the fighter does," wika ni Diaz. "Believe me, there is no way that I would ever have a fighter who fights just like Manny Pacquiao. They will never find a fighter like Timothy Bradley."
Isang bukol sa ilalim ng kanang mata at sugat sa ilalim ng kaliwang kilay ang nalasap ng light welterweight contender na si Provodnikov sa kanilang sparring ni Pacquiao.
"As far as I’m concerned, they got Provodnikov, the Russian. Come on. There’s no similarities between that guy and Timothy Bradley. That guy is just flat-footed, heavy puncher, who comes forward. There’s no similarities with that guy and Tim Bradley," ani Diaz.
Nakatakdang itaya ni Pacquiao ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight title laban kay Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Mas nauna nang binuksan ni Bradley ang kanyang training camp sa Indio, California kumpara sa 33-anyos na Filipino world eight-division champion.
“We’re sparring twenty-six rounds a week. Twenty-six rounds at four minutes,” ani Diaz.
- Latest
- Trending