Celtics, 76ers pasok sa 2nd round playoffs

BOSTON --- Tawagin ninyo na siyang matanda na at ma­ruming maglaro.

Ngunit ito lamang ang nagpalakas kay Kevin Gar­nett para sa Boston Celtics.

Na­galit dahil sa komento ng isang Atlanta Hawks team owner na siya ang ‘’the dirtiest guy in the league,’’ hu­makot si Garnett ng 28 points at 14 rebounds para igi­ya ang Celtics sa 83-80 panalo sa Game 6 patungo sa second round ng playoff series.

‘’Thank you to their owner for giving me some extra gas tonight,’’ wika ni Garnett. ‘’My only advice to him is next time he opens his mouth to know what he’s talking about with X’s and O’s vs. checkbooks and bottom lines.’’

Tinapos ng Boston ang kanilang first-round playoff se­ries ng Atlanta sa 4-2.

Bubuksan ng Celtics ang Eastern Conference se­mifinals sa Sabado sa Boston laban sa Philadelphia 76ers na sumibak sa Eastern Conference No. 1 seed Chicago Bulls sa bisa ng 79-78.

Naimintis ni Omer Asik ang kanyang dalawang free­throws para sa Bulls sa huling 7 segundo na nagbigay sa­na sa kanila ng isang three-point lead.

Nasungkit ni Iguodala ang ikalawang mintis ni Asik at uma­rangkada papunta sa kanilang goal kung saan siya bi­nigyan ng foul ni Asik.

Nagdagdag naman si Paul Pierce ng 18 points para sa Boston bagamat may sprained medial collateral ligament injury sa kanyang kaliwang tuhod.

Nagtala si Rajon Rondo ng 14 points at 8 assists pa­ra sa Celtics.

Ang 36-anyos na si Garnett ang sinabihan ni Hawks co-owner Michael Gearon Jr. na matanda na.

Isang jumper ni Garnett sa huling 31 segundo sa fourth quarter ang sumelyo sa panalo ng Celtics kontra sa Hawks.

Sa Denver, tinalo ng Nuggets ang Los Angeles La­kers, 113-96, sa Game 6 para itabla sa 3-3 ang kanilang serye patungo sa Game 7.

Show comments