Palaro may bagong nadiskubreng talento
LINGAYEN, Pangasinan, Philippines - Maaaring nakahanap na ang Pala-rong Pambansa ng bagong diskubre sa katauhan ni Maureen Emily Schrijvers ng National Capital Region.
Inangkin ni Schrijvers ang gold medal sa girls’ secondary high jump gold para basagin ang four-year record na 1.61 meters ni Cordillera bet Marie Felice Ellaga sa Puerto Princesa, Palawan mula sa kanyang bagong markang 1.62m.
Nauna nang tinangka ng 16-anyos na si Schrijvers na burahin ang 19-year-old national juniors mark na 1.64m ni Cherry Ann Janeza-Arqueza ng NCR sa National Open ngunit tatlong beses siya nabigo.
Ang tatay ni Schrivers ay isang Belgian, habang ang kanyang ina ay isang Chinese ngunit siya ay ipinanganak sa Pilipinas.
Sa swimming, dalawang swimmers ang hinirang na ‘quintuple gold medalists’ matapos makamit ang kani-kanilang pang limang gintong medalya.
Ibinulsa nina six-footer Axel Toni Ngui at Delia Cordero ang kani-kanilang pang limang ginto sa secondary boys’ at girls’ 100m butterfly, ayon sa pagkakasunod.
Bago ito, nakamit na ng 18-anyos na si Ngui ang mga ginto sa 100m at 400m freestyle at 100m backstroke bago pangunahan ang National Capital Region sa 400m medley relay team.
Ang 16-anyos namang si Cordero ang tumubog ng ginto sa 100m at 200m butterfly, 200m individual medley at 200m medley relay team.
- Latest
- Trending