TASHKENT, Uzbekistan--Tuluyan nang nakapasok sa semifinal round sina Mark Antohny Barriga at Ian Clark Bautista ng PLDT-ABAP National Boxing Team sa Sydney Jackson Memorial Tournament dito sa Universal Uzbekistan Sports Complex.
Lalabanan ni Barriga, ang tanging Filipino qualifier sa 2012 London Olympics, si Shahobidin Zoirov, ang pangunahing boksingero ng Uzbekistan sa 49-kilogram division, sa semifinals.
Ang 17-anyos na si Barriga ang kumuha ng gold medal sa naturang torneo noong nakaraang taon sa light flyweight division.
Sasagupain naman ng 17-anyos na si Ian Clark Bautista si Shaxriyor Isakov ng UZB2 sa isa pang semifinals match.
Ito ang unang torneong nilahukan ni Bautista, binigo ang 20-anyos na si Muhriddin Davronov, 13-10, sa quarterfinals noong Miyerkules.
Hindi naman pinalad si 2011 World Junior champion Eumire Felix Marcia na makapasok sa semis matapos matalo sa 21-anyos na si Uzbek national champion Babur Aytbaev, kumatawan sa kanyang bansa sa 2011 World Championships.
Natalo ang 16-anyos na Zamboangueño na mapasok sa matinding depensa ng Uzbek patungo sa kanyang 1-6 pagyukod.