^

PSN Palaro

Heat sinibak ang Knicks, haharap sa Pacers sa semis

-

MIAMI - Humakot si LeBron James ng 29 points, 8 rebounds at 7 as­sists, habang may tig-19 points sina Chris Bosh at Dwyane Wade para tu­lungan ang Miami Heat sa 106-94 paggupo sa New York Knicks sa Game 5 at wakasan sa 4-1 ang ka­nilang Eastern Conference first-round series.

Makakaharap ng Heat ang Indiana Pacers sa Eastern semifinals na mag­­­sisimula sa Linggo sa Miami.

‘’We will savor this win tonight,’’ sabi ni James ma­tapos ang kanilang panalo. ‘’And then we get to work tomorrow and get ready for Indiana.’’

Naglista naman si Carmelo Anthony ng 35 points para sa Knicks, kasama dito ang isang spinning jumper laban kay James sa pagtatapos ng third quarter na nagdikit sa New York sa 67-81.

Nag-ambag si Amare Stoudemire ng 14 points, habang may tig-12 points sina Landry Fields at J.R. Smith para sa Knicks kasunod ang 10 ni Mike Bibby.

Nawala sa laro si Stoudemire sa huling 4:48 ng fourth quarter, ngunit nagpilit pa rin ang Knicks na makalapit sa Heat kasunod ang three-point shot ni Shane Battier sa natitirang 54 segundo para selyuhan ang tagumpay ng Miami.

Sa Memphis, binigo naman ng Grizzlies ang Los Angeles Clippers, 92-80, sa Game 5 para makadikit sa 2-3 sa kanilang serye.

vuukle comment

AMARE STOUDEMIRE

CARMELO ANTHONY

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

INDIANA PACERS

LANDRY FIELDS

LOS ANGELES CLIPPERS

MIAMI HEAT

MIKE BIBBY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with