^

PSN Palaro

Pacman nagsimula na ng training

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang araw na pahinga pagdating sa Los Angeles, California noong Sabado, sisimulan na ng People’s Champ ang pinakamahalaga at pinakamahirap na yugto ng pagsasanay sa Wild Card Gym para sa kanyang laban sa Hunyo 9 kay Timothy Brad­ley.

Sinabi ni chief trainer Freddie Roach na ang pagsa­sanay sa LA ay mas mahirap, mula 7 rounds ng sparring sa Baguio ay magi­ging 8 hanggang 9 rounds na ito at maaari pang tumagal hanggang 12 rounds.

Bukod sa Russong sparmate na si Ruslan Provodnikov na kasama na niya mula sa Baguio, magdaragdag pa si Roach ng dalawa pang sparring partners, sa katauhan nina--147-pound Wally Amatoso at isa pang 140-pound na boksingero na hindi maalala ni Roach ang pangalan.

Ayon kay Roach, matagal nang kumakatok sa pinto ni  Manny ang boksi­ngerong ito kaya binigyan nila ng pagkakataon.

Ang iskedyul ng pagsasanay ay kinabibilangan ng pagpapawis niya sa mitts, heavy bags, double end ball at speed ball at magtatapos sa routine skipping rope.

Kahit pa sa tingin  ng Hall of Famer ay hindi naman gaanong nakaapekto kay Manny ang Bible-preaching sa Baguio training, umaasa siyang mababawasan na ito sa LA.

“Wala naman akong prob­lema doon. Sana lang hindi na ito tumagal hanggang madaling-araw tulad ng ginagawa nila sa May­nila,” ani Roach, at idi­nagdag pang kasama sa paghahanda para sa laban ang pagkakaroon ng mahabang pahinga.

Umaasa si Roach na ma­i­intindihan ng mga nag­sasa­gawa ng Bible activities ang pagiging istrikto niya sa kanilang ginagawang pagsasanay ng Pambansang Kamao.

AYON

FREDDIE ROACH

HALL OF FAMER

LOS ANGELES

PAMBANSANG KAMAO

RUSLAN PROVODNIKOV

SHY

TIMOTHY BRAD

WALLY AMATOSO

WILD CARD GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with