Bradley babagsak tulad ni Hatton-Roach
MANILA, Philippines - Dalawang rounds lamang ang kinailangan ni Manny Pacquiao para pabagsakin si Ricky Hatton noong 2009.
Ayon kay trainer Freddie Roach, ang humahamon kay Pacquiao na si Tim Bradley ay lumalaban nang kagaya ng istilo ni Hatton ngunit mas matibay ang panga ng tinatawag na “Desert Storm” .
Sinabi ni Roach na hanggang six rounds lamang ang itatagal ni Bradley kay Pacquiao.
Itataya ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight crown laban kay Bradley sa Hunyo 9 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Ang 33-anyos na Filipino boxing icon ay itinaas na bilang 5-1 favorite ng Las Vegas oddsmakers.
“He fights just like Hatton with a stronger chin,” sabi ni Roach kay Bradley. “He thinks he’s the best conditioned boxer in the world. For sure, he works out everyday. From what I know, he walks around at 165 pounds with very little body fat. He’s all muscle. I don’t think he’ll come in lighter than Manny.”
Tumimbang si Bradley ng 138 hanggang 140 pounds sa walo sa kanyang huling siyam na laban.
Sa kanyang pagiging 147-pounder, tinalo niya si Luis Abregu noong 2010 at noong Nobyembre binigo naman niya si Joel Casamayor sa eighth round sa timbang na 140 pounds.
Ang KO rate ni Bradley ay 41 percent lamang kumpara sa 70 percent ni Pacquiao.
“Not much power,” ani Roach. “Not much footwork. He’s not shifty. One thing, he’s never been beaten. He’s a tough guy. He’ll come forward. There’s no quit in him. He doesn’t cut easy. It’s his opponents who get cut because he likes to charge in with his head. This guy will fight ‘til the end. He’ll force Manny to knock him out. I guarantee it’ll be an all-action fight.”
Dalawang beses bumagsak si Bradley laban kay Kendall Holt noong 2009. Ito ay mula sa isang counter left hook sa first round at sa isang counter right hook sa 12th round.
Ngunit isang unanimous decision win pa rin ang naitakas ni Bradley kontra kay Holt.
- Latest
- Trending