MANILA, Philippines - Nagsanib sa 24 kills sina Rosemarie Vargas at Thai import Eve Sanorseang upang pangunahan ang FEU sa 25-22,25-15, 25-20 panalo sa National University at selyuhan na ang puwesto sa quarterfinals sa Group A sa idinaos na 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Outhit ng Lady Tamaraws ang Lady Bulldogs, 47-36, upang katampukan ang dominanteng laro upang tuhugin ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro na nagtulak sa FEU para samahan na ang nagdedepensang Ateneo, (3-0) sa susunod na round.
“Maganda ang execution namin mula sa opensa at depensa,” wika ni FEU coach Nes Pamilar.
May 15 kills si Vargas, habang may 9 spikes at 3 service aces si Sanorseang.
Sa ikalawang laro, tinalo ng nagdedepensang Ateneo ang Southwestern University, 25-16, 25-19, 25-19.