Sa B-Meg ang korona
MANILA, Philippines - Wala nang makadepensa sa kanya sa overtime period, dinala ni Best Import Denzel Bowles sa kanyang mga balikat ang Llamados patungo sa pang-siyam nitong PBA title.
Humugot ang 6-foot-11 at 23-anyos na si Bowles ng 10 sa kanyang 38 points sa extension upang akayin ang B-Meg sa 90-84 panalo laban sa dating kampeong Talk ‘N Text sa Game Seven at angkinin ang 2012 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Tinapos ng Llamados ang kanilang best-of-seven championship series ng Tropang Texters sa 4-3.
“I don’t want to lose this chance so I did what I have to do,” sabi ni Bowles, humakot ng 39 points, 21 rebounds at 3 shotblocks.
Sinamantala ni Bowles ang pagkawala sa laro nina import Donnell Harvey sa 3:17 ng fourth quarter at Ali Peek sa 2:59 ng overtime period.
Huling nakamit ng Talk ‘N Text ang lamang sa 81-80 mula sa basket ni Jared Dillinger sa 3:17 nito kasunod ang dalawang sunod na tirada ni Bowles para ibigay sa B-Meg ang 86-81 bentahe sa huling 56.8 segundo.
Nagdagdag si PJ Simon ng 14 points.
B-Meg 90 – Bowles 39, Simon 14, Yap J 12, Urbiztondo 11, Villanueva 5, De Ocampo Y 4, Devance 2, Pingris 2, Barroca 1, Intal 0, Reavis 0.
Talk ‘N Text 84 -- Alapag 29, Harvey 16, Fonacier 11, Peek 10, Dillinger 8, Castro 5, de Ocampo R. 3, Reyes 2, Williams 0, Gamalinda 0, Carey 0.
Quarterscores: 21-18; 34-35; 56-61; 76-76;
90-84. (OT)
- Latest
- Trending