^

PSN Palaro

76ers naka-dalawa na sa Bulls

-

PHILADELPHIA--Binanderahan ni Spencer Hawes ang pagbangon ng Philadelphia 76ers sa fourth quarter para talunin ang Chicago Bulls, 79-74, at angkinin ang 2-1 bentahe sa kanilang first-round playoffs series.

Ang go-ahead jumper ni Hawes sa loob ng 3-point area ang nagbigay sa Si­xers ng lamang matapos rumesbak mula sa isang 14-point deficit laban sa Bulls.

Kinuha ng 76ers ang Game 2 sa Chicago kung saan muling nagkaroon ng injury si Derrick Rose sa fourth quarter at tuluyan nang hindi na makakalaro sa kabuuan ng season.

Isang ankle injury naman ang nalasap ni Chicago center Joakim Noah ka­hapon.

Nakatakda ang Game 4 sa Linggo sa Philadelphia.

Nagtala si Hawes ng 21 points, nine rebounds at nagsalpak ng isang tres sa huling 2:11 ng fourth quarter para ibigay sa Sixers ang kanilang unang kalama­ngan matapos sa halftime.

Humugot si Hawes ng 10 points sa fourth period para tiyakin ang panalo ng Philadelphia.

Sa Boston, bumalik si Ra­jon Rondo mula sa isang one-game suspension para itala ang kanyang pang pitong career playoff triple-double buhat sa paggiya sa Celtics sa 90-84 overtime win laban sa Atlanta Hawks at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.

Kumolekta si Rondo ng 17 points, 14 rebounds at 12 assists para sa Celtics.

Sa Denver, umiskor si Ty Lawson ng 25 points upang tulungan ang Nuggets sa 99-84 tagumpay kontra sa Los Angeles La­kers at idikit sa 1-2 ang ka­nilang serye.

ATLANTA HAWKS

BINANDERAHAN

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

JOAKIM NOAH

LOS ANGELES LA

SA BOSTON

SA DENVER

SPENCER HAWES

TY LAWSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with