^

PSN Palaro

Batas para sa mga boxers isinusulong sa Kamara

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines – Kung maipapasa bilang isang batas, mabibigyan ng insurance coverage ang mga Filipino professional boxers na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga labang hinaharap.

Tinuran ni Manila Rep. Amado Bagatsing ang kato­to­hanang nalalagay sa peligro ang buhay ng mga Pinoy boxers kapag lumalaban pero kulang ang kanilang su­porta lalo na kung minamalas at nadidisgrasya.

Sa isinususog na ‘Boxers’ Welfare Act of 2012’, ang lahat ng professional boxers ay dapat na isailalim sa compulsory insurance coverage sa pamamagitan ng Na­tional Heath Insurance Act.

Kasama rin sa panukalang batas na maisama ang mga boksingero sa Social Security System (SSS) at Pag-Ibig Fund upang mabigyan ng benepisyo.

Magiging scholar din ang mga anak ng mga world boxing champions at medalists ng Olympics na aabot hanggang sa pagtungtong ng mga ito sa kolehiyo.

“This measure is in acknowledgement and gratitude for all the efforts our boxers have made in giving honor to the country,” wika ni Bagatsing.

Kumilos uli ang Kongresista matapos ang pagkamatay ni Karlo Maquinto nang kumulapso matapos ang laban nila ni Mark Joseph Costa noong Enero 28 sa Caloocan City.

Bago si Maquinto ay naunang nalagay sa peligro si Z Gorres nang na-coma matapos ang laban sa Las Vegas.

AMADO BAGATSING

CALOOCAN CITY

HEATH INSURANCE ACT

KARLO MAQUINTO

LAS VEGAS

MANILA REP

MARK JOSEPH COSTA

PAG-IBIG FUND

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with