MANILA, Philippines – Ihahataw ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) ang kanilang second season sa pamamagitan ng isang three-leg circuit sa Mayo 19-23 kung saan ang first leg ay gagawin sa Metro Sports Center sa Barangay Lahug, Cebu City.
Sina Toby Gadi, Joper Escueta, Malvinne Alcala, Bianca Carlos, Gelita Castilo at top junior Markie Alcala ang nagdomina sa nakaraang four-stage inaugural noong nakaraang taon at muling inaasahang mangunguna sa agawan sa titulo ngayong taon.
Patuloy ang pagpapatala at nakatakda ang deadline sa Mayo 7 sa alas-5 ng hapon, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion. Ang on-line listup ay maaari ring gawin sa pbars.com.
Inilunsad ng Philippine Badminton Association, sa ilalim nina Vice President Jejomar Binay, chairman at sports patron Manny V. Pangilinan at sec-gen Rep. Albee Benitez, ang PBaRS circuit noong nakaranag taon para makadiskubre ng mga bagong talento at magkaroon ng tunay na national ranking system.
Samantala, ang pagtatala ng mga official entries sa PBaRS at Match Control websites ay magbubukas sa Mayo 10, habang ang draw ay idaraos sa Valle Verde Country Club sa Pasig sa Mayo 14.