^

PSN Palaro

Lady Bulldogs, Knights kailangang manalo

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Apat na koponan na hin­di pa nakakatikim ng panalo ang magtatangkang buhayin ang malamig na kampanya sa pagpapatuloy ngayon ng 9th Sha­key’s V-League na handog ng Smart sa The Arena sa San Juan City.

Ang National University at Letran na parehong talunan sa kanilang unang dalawang asignatura ay nahaharap sa must-win games para umusad sa quarterfinals sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza.

Kalaban ng Lady Bulldogs ang Southwestern University sa alas-2 ng hapon bago sumunod ang Lady Knights na susukatin ang husay ng University of St. La Salle Bacolod.

Ang mga Visayan teams ay hindi rin pinalad sa kanilang unang mga laro nang matalo ang Lady Cobras sa FEU sa straight sets habang yumukod ang Lady Stingers sa San Sebastian sa apat na sets na noong Martes.

Dahil sa panalo ng Lady Stags, sila ang unang koponan na nakapasok na sa quarter­finals nang sungkitin ang ikatlong sunod na tagumpay sa Group B sa palarong suportado rin ng Accel at Mikasa.

Magtatangka naman ang nagdedepensang Ate­neo na maging ikalawang team na makausad na sa quarterfinals sa pagbangga sa NCAA champion Perpe­tual Help sa tampok na laro sa triple-header game dakong alas-6 ng gabi.

May 2-0 karta ang Lady Eagles na sasandal sa hu­say nina Fille Cainglet, Alyssa Valdez at Thai import Phee Nok Kesinee.

Si Cainglet ang bumabandera sa laban ng Ateneo nang magtala ng pinagsamang 30 hits sa dalawang naunang sagupaan.

Sina Sandra delos Santos, April Sartin at Thai import Pornpimol Kunbang ang mga panapat ng Lady Altas sa Eagles.

ALYSSA VALDEZ

ANG NATIONAL UNIVERSITY

APRIL SARTIN

FILLE CAINGLET

GROUP B

LADY

LADY ALTAS

LADY BULLDOGS

LADY COBRAS

LADY EAGLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with