^

PSN Palaro

Ex-world champ kakasahan ni Melindo sa undercard ni Nietes

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang sagupain ni ALA Boxing Gym stalwart Milan Melindo si dating world champion Jesus Geles ng Colombia para sa bakanteng WBO International flyweight crown sa undercard ng Pinoy Pride XIV sa Hunyo 2 sa Resorts World Hotel and Casino sa Maynila.

Ang Melindo-Geles showdown ang magsisilbing supporting bout ng pagdedepensa ni Donnie Nietes sa kanyang suot na WBO light flyweight title kontra kay Mexican Felipe Salguero.

Tangan ang malinis na 26-0 record, kasama dito ang 10 knockouts, ang 24-anyos na si Melindo ang kasalukuyang WBO Intercontinental 112-pound titlist.

Sa kanyang huling laban, umiskor ang pambato ng Ca­gayan de Oro City ng isang seventh-round stoppage la­ban kay Juan Esquer ng Mexico noong Enero 28 sa Wa­terfront Cebu City Hotel and Casino.

Dala naman ni Geles ang 13-2 (5 KOs) record at dating humawak sa interim WBO light flyweight belt ma­tapos talunin si Omar Soto via majority decision noong Oktubre 30, 2010 sa Cartagena, Colombia.

Nabigo si Geles na ma­kamit ang regular na WBO crown nang mapabagsak sa fourth round ni Mexican Ramon Garcia Hirales noong 2011 sa Mexico City.

Si Hirales naman ang ina­gawan ng titulo ni Nietes noong Oktubre sa Bacolod City.

Itataya ni Nietes ang na­turang korona kontra kay Salguero (16-2-1, 11 KOs), No. 7 sa WBO list at suma­sakay sa isang 14-fight winning streak.

ANG MELINDO-GELES

BACOLOD CITY

BOXING GYM

CEBU CITY HOTEL AND CASINO

DONNIE NIETES

GELES

JESUS GELES

JUAN ESQUER

MEXICAN FELIPE SALGUERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with