MANILA, Philippines - Pangungunahan ni John Paul Lizardo ang 50 taekwondo jins na magtatangka na magkamedalya sa 2012 Asian Taekwondo Championships sa Ho Chi Minh City sa Vietnam.
Nakatakda ang labanan mula Mayo 4-12 at ang pambansang koponan na lahok ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ay makikilala bilang SMART team.
Si Lizardo ay lalaro sa pinweight at sisikapin niyang sandalan ang pagiging isang veteran internationalist para makapagbigay ng karangalan sa men’s team.
Magkakaroon din ng lahok ang Pilipinas sa Poomsae senior men at women (13 manlalaro) at junior men at women (7 manlalaro).
May 11 team officials din ang kasali sa pangunguna ni Anna Dominique Coseteng bilang head ng junior division; Victor Emmanuel Veneracion, head of team, senior division; Coaches: Dindo Simpao, senior; Roberto Cruz, junior men; Dax Alberto Morfe, junior women; Napoleon Dagdagan Jr., trainer; Mr. Jeong Tae Seong at Joel Lacsamana, Poomsae coaches; Stephen Fernandez, international referee, kyorugi at poomsae; Jesus Morales III, international referee, kyorugi; at Tem Igor Mella, international referee, poomsae.
Ang biyahe ay suportado ng MVP Sports Foundation/SMART Communications Inc., Philippine Long Distance Telephone (PLDT at Philippine Sports Commission (PSC) at bahagi ito ng paghahanda ng mga jins sa nalalapit na World University Taekwondo Championships sa Hunyo sa Pocheon, Korea at World Cup sa Santa Cruz, Aruba sa Nobyembre.