^

PSN Palaro

Mag-uunahan!

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos itabla ang serye sa 2-2, hangad naman ng Tropang Texters na masikwat ang mala­king 3-2 bentahe laban sa Llamados.

Magtatagpo ang nagdedepensang Talk ‘N Text at B-Meg sa mahala­gang Game Five ngayong alas-6:45 ng gabi sa 2012 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart-Araneta Co­liseum.

Umiskor ang Tropang Texters ng isang 100-85 ta­gumpay kontra sa Llamados sa Game Four noong Linggo para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven championship series.

Naging tampok sa laro ang pagkakabangga kay B-Meg head coach Tim Cone ni Art Herrera sa hu­ling minuto ng fourth quarter kung saan tiyak na ang tagumpay ng Talk ‘N Text ni mentor Chot Reyes.

Dinagukan naman ni 5-foot-8 Tropang Texters’ guard Pamboy Raymundo si Joe Devance ng Llamados matapos ibato ng Fil-Am ang bola sa mukha ng dating San Sebastian Stag.

Nauna dito, siniko ni Raymundo sa mukha si B-Meg guard Josh Urbiz­tondo.

Dahil dito, pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office si Raymundo ng P40,000 bukod pa ang isang one-game suspension, habang magbaba­yad naman si Devance ng P20,000 at P2,400 naman kay Urbiztondo.

“The physicality is a gi­ven in any kind of playoffs,” sabi ni Reyes sa nangyari. “I am sure there will be a lot of things after what happened tonight (Game Four). But I am going to emphasize to the team that we gonna play good and quality basketbal for 48 minutes.”

Aminado naman si Cone sa kanilang pagka­talo noong Linggo kung ka­ilan hinirang si Denzel Bowles bilang Best Import.

“Bottomline was they came out and played with a high level of desperation that we didn’t respond to in the entire game,” wika ni Cone.

Samantala, inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagdadala ng Barako Bull kay Dorian Peña sa Petron Blaze kapalit sina Carlo Sharma at Celino Cruz.

Hindi naman pinayagan ni Salud ang palitan nina Doug Kramer ng Po­werade at Jondan Salvador ng Barako Bull.

ART HERRERA

B-MEG

BARAKO BULL

BEST IMPORT

BUT I

GAME FOUR

LLAMADOS

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with