^

PSN Palaro

Lady Eagles sa quarters na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dumaan man sa ma­tin­ding pagsubok ay nangi­babaw pa rin ang championship experience na taglay ng Ateneo upang talunin ang National University, 25-15, 26-24, 20-25, 25-14, at umabante na sa quarterfinals sa 9th Shakey’s V-League na handog ng Smart at naglaro kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi napigilan sa pag-atake sina Fille Cainglet at Alyssa Valdez sa ikaapat at huling set para dagitin ng Lady Eagles ang ikalawang sunod na panalo na sapat na para iabante ang sarili sa susunod na yugto ng torneo sa kompetisyong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza.

 Tig-15 hits ang ginawa nina Cainglet at Valdez at nagsanib sa 27 kills habang sina Angeline Marie Gervacio at Lithawat Kesinee ay may 13 at 12 hits. May pinagsamang 7 blocks sina Gervacio at Kesinee para pangunahan ang depensa ng defending champion.

 Hindi naman nasiyahan si coach Roger Gorayeb sa ipinakita ng mga bataan dahil nagrelax ang mga ito dahilan upang muntik silang matalo.

“Sumasabay na lang sa laro ng kalaban sa kalagitna­an at nawala ang aggressiveness. Hindi na rin dumedepensa,” himutok ni Gorayeb.

Si Dindin Santiago ay mayroong 22 hits para pa­ngunahan ang Lady Bulldogs na nalaglag sa 0-2 karta at nalalagay sa peligro na lumasap ng maagang bakasyon sa ligang may ayuda rin ng Mikasa at Accel.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANGELINE MARIE GERVACIO

FILLE CAINGLET

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LITHAWAT KESINEE

NATIONAL UNIVERSITY

ROGER GORAYEB

SAN JUAN CITY

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with