^

PSN Palaro

B-Meg angat sa 2-1

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa edad na 22-anyos, dinala ni import Denzel Bowles sa kanyang mga balikat ang B-Meg sa fourth quarter para kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng nagdedepensang Talk ‘N Text.

Humugot ang 6-foot-10 na si Bowles ng 15 sa kanyang 28 points sa final canto para pangunahan ang 91-87 pananaig ng Llamados kontra sa Tropang Texters sa Game Three para sa 2012 PBA Commissioner’s Cup sa harap ng 14,493 manonood ka­gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Kinuha ng B-Meg ang Game One, 88-82, bago nakatabla ang Talk ‘N Text sa Game Two, 104-102.

“I made some big mistakes from the last game and I wanna make up,” wika ni Bowles, humakot din ng 13 rebounds at 6 shotblocks. “I’m learning from my mistakes.”

Ilang beses nagtabla ang laro sa fourth period, ang huli ay sa 74-74 sa ilalim ng anim na minuto, bago nakahulagpos ang Llamados sa 86-81 sa hu­ling 1:21 mula kina Bowles, two-time PBA Most Valua­ble Player James Yap at PJ Simon.

Apat na sunod na free­throws ang isinalpak ni Bowles sa natitirang 23.1 at 16.8 segundo para sa 90-86 lamang ng B-Meg kasunod ang split ni guard Jimmy Alapag para sa 87-90 agwat ng Talk ‘N Text sa huling 4.9 segundo.

Huling natikman ng Tropang Texters ang unahan sa 77-74 buhat sa isang three-point play ni import Donnell Harvey sa 6:06 nito.

Samantala, tanging ang Petron Blaze, Po­werade, Meralco at Barako Bull na lamang ang wala pang nahuhugot na reinforcement para sa darating na 2012 PBA Governors Cup na magsisimula sa Mayo 20.

Ito ay matapos makuhang import ng Barangay Ginebra at Air21 sa katauhan nina Cedric Bozeman at Zach Graham, ayon sa pagkakasunod.

 Nakita ang 6’5 na si Bozeman sa 23 laro para sa Atlanta Hawks noong 2006-2007 NBA season bago kumampanya para sa Reno Bighorns, kung saan niya naging kakampi si Grahams, at Main Red Claws sa NBA D-League.

Ibabalik naman ng Talk ‘N Text at Alaska ang ka­nilang mga naging import sa 2011 PBA Commissioner’s Cup na sina Paul Harris at Jason Forte, ayon sa pagkakasunod, habang kinuha ng B-Meg si Marqus Blakely.

 Si Jamelle Cornley ang ipaparada ng Rain or Shine.

B-Meg 91 – Bowles 28, Yap J. 21, Urbiztondo 12, Simon 12, Intal 5, Barroca 4, Reavis 4, Pingris 2, De Ocampo Y. 2, Devance 1.

Talk ‘N Text 87 – Harvey 21, Reyes 21, Peek 15, Castro 11, Fonacier 7, Alapag 6, Williams 5, De Ocampo R. 1, Gamalinda 0, Dillinger 0.

Quarterscores: 19-21; 37-36; 62-64; 91-87.

ATLANTA HAWKS

B-MEG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CEDRIC BOZEMAN

DE OCAMPO R

DE OCAMPO Y

N TEXT

PARA

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with