^

PSN Palaro

Lingayen P50M na ang inilabas sa Palaro

- Ni Angeline Tan -

LINGAYEN, Pangasi­nan, Philippines --Gumasta na ng mahigit P50 milyon ang Lingayen sa billeting upang matiyak na magiging kumportable ang tinatayang 8,500 atleta at opisyales na lalahok sa 2012 Palarong Pambansa na bubuksan sa Mayo 7 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center.

Ayon kay provincial administrator Rafael Baraan sa pulong pambalitaan ka­hapon sa Capitol Resort Hotel sa Lingayen, ang ha­lagang ito ay ginasta sa re­nobasyon ng mga paliku­ran at pagtiyak na may sa­pat na daloy ng tubig ang lahat ng hihimpilan ng 17 rehiyon.

“Nagkakagastos din kami sa pagkain dahil isa sa ipinangako namin ay ang magbigay ng isang sakong bigas, bangus at iba pang mauulam sa 17 delegasyon. Bibigyan din namin ng libreng masasak­yan ang mga atleta na ma­­ngangailangan na magbarko para makarating rito,” wika ni Baraan.

Hindi pa rito kasama ang gastos sa pagkumpuni sa ilang pasilidad na ayon sa opisyal ay nasa finishing touches na at handang-handa ng gamitin.

Ito ang ika-55th edis­yon ng pinakamalaking school-bases para sa ele­mentary at secondary level na sports competition sa bansa at ikalawang pagkakataon lamang ng Lingayen na tumayong host matapos ang 1995.

Nangunguna sa pagtiyak na magiging makasay­sayan ang hosting ay si Go­vernor Amado T. Espino na noong 1995 ay siyang Provincial Director ng PNP sa rehiyon at siyang chairman ng organizing committee.

Bukod sa magandang kompetisyon at paggamit ng hi-tech sa coverage, ang Palaro ay katatampukan din ng malawakang coverage ga­mit ang internet dahil may 18 channels na makikita sa website na www.palarongpambansang2012.com na tututok sa iba’t-ibang aksyon sa 17 sports na paglalabanan.

Ang mga larong masi­silayan ay ang athletics, arnis, archery, baseball, badminton, basketball, bo­xing, chess, football, gymnastics, sepak takraw, sipa, softball, swimming, table tennis, tennis at volleyball.

AMADO T

AYON

BARAAN

CAPITOL RESORT HOTEL

LINGAYEN

NARCISO RAMOS SPORTS AND CIVIC CENTER

PALARONG PAMBANSA

PROVINCIAL DIRECTOR

RAFAEL BARAAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with