^

PSN Palaro

Mag-amang Padilla posibleng pumutok sa 2013 SEAG

-

MANILA, Philippines - Hindi malayong magkasama uli ang mag-amang Nathaniel “Tac” Padilla at Mica Padilla sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

 Posibleng mangyari ito matapos pangunahan ng mga Padillas ang nilahukang events sa idinadaos na Philippine National Shooting As­sociation (PNSA) tryouts sa PSC range sa Philippine Marines sa Fort Bonifacio.

Si Tac na siyang national champion at 17 beses na kinatawan ang bansa sa SEA Games ay kumulekta ng 568 puntos para talunin si Air Force Col. Connor Anthony Canlas ng 17 puntos sa center fire pistol event.

 Napalaban si Padilla kay Canlas matapos makaungos ang huli ng isang puntos sa unang 20 shots sa slow fire stage. Pero nang tumungtong ang bakbalan sa rapid fire, humugot ng 289 puntos si Padilla laban sa 273 lamang ni Canlas upang magtapos ito taglay ang 551 iskor.

 Dalawa pang airmen sa katauhan nina 2/Lt Bert Espiritu at Col. Jovito Teneza ang tumapos sa ikatlo at apat na puwesto sa 544 at 540 puntos.

Ang 20-anyos na si Mica na isang third year legal management student sa Ateneo de Manila University sa pasukan ay nagtala ng 533 puntos para manalo kina Shanin Gonzales (521) at Gloria Cabuslay (471) sa sport pistol competition.

 Ang batang Padilla ay naging national player at naglaro sa 2009 SEA Games sa Laos at sumali rin sa 2010 World Cup sa Beijing, China.

AIR FORCE COL

CANLAS

CONNOR ANTHONY CANLAS

FORT BONIFACIO

GLORIA CABUSLAY

JOVITO TENEZA

LT BERT ESPIRITU

MANILA UNIVERSITY

MICA PADILLA

PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with