Russian sparring partner ni Pacquiao nasa Baguio na
MANILA, Philippines - Naging impresibo para kay Freddie Roach ang kondisyon ni Manny Pacquiao at maaari na niyang simulan nang mas maaga ang kanilang sparring session.
Dumating na si Russian welterweight Ruslan Provodnikov para tumayong sparring partner ni Pacquiao bilang paghahanda sa kanilang laban ni Timothy Bradley sa Hunyo 9.
Sinabi ni Roach, nasa kanyang ikalawang linggo sa Baguio City, na handa na si Pacquiao sa sparring bukas kung nasa porma si Provodnikov.
Si Pacquiao ay normal na nag-eensayo tuwing Martes, Huwebes at Sabado at gumugugol ng halos 100 rounds.
“If he’s ready by Thursday, we begin sparring Thursday,” sabi ni Roach sa 5-foot-6 na si Provodnikov na gagayahin ang istilo ni Bradley.
Nagpapawis ang Russin sa pamamagitan ng stretching, shadow-boxing at sa speed ball.
Si Provodnikov, nagdadala ng record na 21-1 kasama ang 14 knockouts, ay dumating sa Baguio City noong Lunes ng umaga at dinala sa tinutuluyan ni Pacquiao sa Cooyeesan Hotel.
Si Provodnikov ay hindi nagsasalita ng English at may kasamang interpreter.
Bumilib si Provodnikov kay Pacquiao na maaaring ngayon lamang niya nakilala.
Nagtungo kahapon si Provodnikov sa Shape-Up Gym para mag-ehersisyo kasabay si Pacquiao na magdedepensa ng kanyang suot na WBO welterweight title laban kay Bradley.
- Latest
- Trending