Pa-karera ng PDBF sa Bora handa na
MANILA, Philippines - Wala nang makapipigil sa pagdaraos sa International Club Crew Challenge: Boracay Edition ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) sa kabila ng akusasyon ng Boracay International Paddlers Association (BIPA) na sinasabotahe ng PDBF ang 6th International Dragon Boat Festival ng BIPA dahil parehong idaraos ang dalawang event sa Abril 26-28.
Sinabi ng BIPA na sinira ng PDBF ang kanilang tiwala dahil sa pagsasagawa ng karera ng dragon boat sa parehong petsa ng kanilang sariling karera.
Ito, ayon sa BIPA, ay upang makinabang sa event ang PDBF at lituhin ang mga lilipad patungong Boracay upang sumali sa karera.
Pinabulaanan naman ng pangulo ng PDBF na si Marcia Cristobal ang mga alegasyon, at sinabing kumuha ng mga kailangang permit ang PDBF at inaprubahan pa ni John Yap, alklade ng Boracay, Malay, Aklan.
Isasagawa ng PDBF ang karera upang makapagbigay ng power source para sa public address system ng Boracay.
Sa nakaraang limang taon, ang PDBF ang kinukuha ng BIPA upang maging opisyal ng kanilang event ngunit ngayong taon, ang kinuha nila ay ang Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF), ang kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.
- Latest
- Trending