Lady Eagles, Tams magkakasukatan agad sa Shakey's V-League ngayon
MANILA, Philippines - Sisimulan ng Ateneo ang pagdepensa sa titulo sa Shakey’s V-League sa pagharap sa FEU ngayon sa pagbubukas ng ikasiyam na season sa The Arena sa San Juan City.
Ikalawang laro dakong alas-4 masisilayan ang nasabing laban at ipaparada ng Lady Eagles ang intact line-up kasama ang mahusay na Thai import na si Lithawat Kesinee para maging matatag ang kampanya sa season na ito.
Inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza, ang Letran at San Sebastian ang siyang magtutuos sa unang laro sa alas-2 ng hapon.
Sampung koponan, kasama ang nagbabalik na 6-time champoin UST, ang hinati sa dalawang grupo ang maglalaban-laban sa single round group elimination para madetermina ang walong koponan na aabante sa quarterfinals.
Maliban kay Kesinee, ibabandera rin ng Lady Eagles ang mahuhusay na players na sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Gretchen Ho, Jem Ferrer at Denden Lazaro.
Ang Tamaraws ay aasa naman sa husay nina Wenneth Eulalio, Christine Agno, Charlene Gillego, May Roxas, Toni Basas, Yvett Tutanes at Rose Vargas.
Samantala, tinuran naman ni Sports Vision president Ricky Palou ang papel na ginagawa ng liga sa pagpapalawig sa women’s volleyball.
“Over the last eight years, we have seen women’s volleyball grow in popularity. We believe that this is due to the tournament we have put up as more students are now willing to take up the sport with the end in view of eventually playing in the Shakey’s V-League. Hopefully, this interest will result in the development of better players for our national team,” wika ni Palou.
Ang iba pang kasali sa liga ay ang NCAA champion Perpetual Help, National University, Adamson, University of St. La Salle Bacolod at Southwestern University ng Cebu.
- Latest
- Trending