^

PSN Palaro

Wala na akong dapat patunayan pa - Pacquiao

-

BAGUIO CITY, Philippines --Sinabi ni Filipino boxing sensation Manny Pacquiao na wala na siyang dapat patunayan sa kanyang pag-akyat sa boxing ring sa Hunyo 9 laban kay American undefeated boxer Timothy Bradley para sa WBO welterweight crown sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Sa mga world boxing titles na nakamit, sinabi ni trainer Freddie Roach na hindi na kailangan ni Pacquiao na patunayan ang kanyang husay sa pagtataya niya ng kanyang 15 fight winning streak at pang 55 panalo kasama ang 38 knock outs sa kanyang boxing career.

“With his accomplishments, I don’t think Manny has to prove himself as a fighter,” sabi ng American Hall of Fame trainer na nasa kanilang pangalawang linggo para sa isang three-week high altitude training.

Maagang nag-jogging si Pacquiao sa Sta. Lucia subdivision kahapon ng umaga at tumakbo ng halos tatlong kilometro kasunod ang kanyang regular na work-out sa mitts kinahapunan kasama si Roach sa boxing gym sa Naguillan road.

Hindi naman makakarating si Russian sparring partner Rusian Provodnikov, isang 28-anyos na junior-welterweight prospect, para samahan si Pacquiao sa boxing gym,

Kahit na wala si strength and conditioning coach Alex Ariza, nagbalik sa Los Angeles, USA noong Sabado para sa pag-eensayo ni Julio Cesar Chavez Jr. na lalaban kay Andy Lee para sa WBC middleweight fight sa Hunyo 6 sa El Paso, Texas, parang hindi naman ito nakapekto sa Team Pacquiao. (A rtemio A. Dumlao)

ALEX ARIZA

AMERICAN HALL OF FAME

ANDY LEE

EL PASO

FREDDIE ROACH

HUNYO

JULIO CESAR CHAVEZ JR.

LAS VE

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with