Swimming, athletics sa PRISAA
CEBU CITY, Philippines - Sisimulan ng swimming at athletics ang mga kompetisyon para sa pagbubukas ng 2012 Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Collegiate Games dito sa Cebu City Sports Center.
Kabuuang 16 final events sa swimming at 8 sa track and field ang nakalatag para sa pagsisimula ng ika-20 edisyon ng PRISAA Games na binuhay noong 1991.
Ang mga gold medals na pag-aagawan sa Olympic-size swimming pool ay sa men’s at women’s 200-meter freestyle, 100-meter breaststroke, 200 butterfly, 100 backstroke, 400 individual medley, 50 freestyle, 4x50 medley relay at 4x100 freestyle relay.
Paglalabanan naman sa athletics ang men’s at women’s 1,500-meter races, men’s 110-meter hurdles, women’s 100-meter hurdles, men’s and women’s shot put and men’s at women’s long jump.
Hindi makikita sa aksiyon ang pambato ng De la Salle-Dasmariñas na si swimmer Jaevico Dalay, hinirang na atletang may pinakamaraming gintong medalya.
- Latest
- Trending