Texters, Llamados bakbakan sa Game 1

MANILA, Philippines - Sinasabing kahit na si­no ang ipasok ni coach Tim Cone ay maaaring umiskor pa­ra sa B-Meg.

“B-Meg is I think the deepest team in the league right now,” sabi ni mentor Chot Reyes ng nagde­de­pensang Talk 'N Text. “They have the best import de­finitely in Denzel Bowles. And they have the tallest and biggest team in the lea­gue. They have a couple big­men in their second unit.”

Ang tinutukoy ni Reyes sa Llamados ay sina 6-foot-9 Yancy De Ocampo, 6'8 Ra­fi Reavis at 6'7 Joe De­vance.

Sa kabila nito, sinabi ni Re­­yes na maghahanap pa rin sila ng paraan para ma­­nalo.

Sisimulan ng Talk 'N Text ang pagtatanggol sa ka­nilang korona laban sa B-Meg sa Game One ng ka­nilang best-of-seven championship series ngayong alas-6:45 ng gabi para sa 2012 PBA Commissio­ner's Cup sa Smart-Araneta Co­liseum.

Tinalo ng Tropang Texters ang Barako Bull Ener­gy, 3-2, habang binigo ng Lla­mados ang Ginebra Gin Kings, 3-1, sa kani-ka­nilang best-of-five semifi­nals wars upang itak­da ang kanilang ti­tular showdown.

“It's no secret that we are the smallest team in the league today but we have to find the way to win,” sabi ni Reyes, muling ibabandera sina 6'10 import Donnell Harvey, Jayson Cas­tro, Kelly Williams, Ranidel De Ocampo, Ryan Reyes at Larry Fonacier.

Wala namang predik­siyon si Cone para sa ka­nilang title series.

“The magic number for me is four. In the finals series, it won't matter how long would it take but your target number is four,” sabi ni Cone, nasa kanyang pang 24th finals appea­rance kasabay ng paggiya sa B-Meg ng ika-22nd finals stint nito.

Ang 22-anyos at 6'10 na si Bowles kasama sina two-time PBA Most Valua­ble Player James Yap, PJ Simon, JC Intal, Devance, Reavis at De Ocampo ang muling sasandalan ng Llamados.

Tangan ni Reyes ang 3-2 win-loss record sa ka­nilang limang beses na pag­haharap ni Cone sa championship series.

Si Reyes, hangad na ma­ibigay sa Tropang Texters ang pang limang koro­na, ay naging assistant ni Co­ne sa Alaska Aces simu­la no­ong 1990 hanggang 19­92 bago hinirang na head coach ng Purefoods TJ Hotdogs sa sumunod na taon.

Show comments