^

PSN Palaro

Thai rider hari sa FIM Asia Motocross C'ships

-

MANILA, Philippines - Ipinakita uli ni Arnon Theplib ng Thailand ang angking husay nang pag­harian ang Asian 125/MX2 motos sa idinaos na 2012 FIM Asia Princesa Motocross Championship na ginawa sa Puerto Princesa City, Palawan noong Abril 14 at 15.

Naglalaro para sa ko­po­nan ng AP Honda, si Theplib ang nanguna sa da­lawang motos kasama ang paglista ng bagong lap record sa moto 1 na nasa isang minuto, 17.84 segundo upang patingkarin ang hangaring mapanatili ang hawak sa titulo.

Ang 16-anyos na si Jugkrit Suksripaisan na mula Thailand at kasapi rin ng AP Honda ay nakasama ni Tomoya Suzuki ng Japan na nagkaroon ng tig-42 puntos pero ang una ang nalagay sa ikalawang puwesto dahil nauna siyang tumawid kay Suzuki sa playoff moto.

Pumang-apat si Kha­liun­bold Erdenebileg ng Mongolia habang ang pam­bato ng Pilipinas na si Kenneth San Andres ang pumanglima.      

Ito ang ikasiyam na sunod na taon na itinaguyod ng Puerto Princesa ang Philippine Leg ng prestihiyosong motocross series sa Asia na inorganisa ng NAMSSA at suportado ni Mayor Edward Hagedorn.

Kasamang kuminang ni Theplib ang 50-anyos na si Roman Llorente ng Iriga City na hinirang bilang kauna-unahang Asian Ve­terans champion matapos pagharian ang dibisyon.

Selyado naman uli ni Mark Reggie Flores ng San Pablo City ang pagiging pinakamahusay na Asian junior rider nang dominahin ang Asian Junior 85 category.

Hindi pinaporma ni Flo­res ang mga humamong sina Gabriel Macaso ng Cabanatuan at Radzie Kallahal ng Basilan para ipamalas kung bakit siya ang tumatayong Asina junior champion.

ARNON THEPLIB

ASIA PRINCESA MOTOCROSS CHAMPIONSHIP

ASIAN JUNIOR

ASIAN VE

GABRIEL MACASO

IRIGA CITY

JUGKRIT SUKSRIPAISAN

KENNETH SAN ANDRES

MARK REGGIE FLORES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with