^

PSN Palaro

Pinoy riders may pinatunayan sa Le Tour

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Wala ng puwang pa para hindi maabot ng Filipi­no cyclists ang hanap na pagkilala kung paglahok sa international races ang pag-uusapan.

Sa idinaos na 2012 Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 katuwang ng Smart na nagtapos noong Martes ay naipamalas ng mga pambatong siklista ng bansa na hindi lamang nila kayang makipagsabayan sa mga dayuhan kundi kaya rin nila itong talunin.

Umabot sa 11 koponan kasama ang limang Conti­nental teams ang naki­pagtagisan sa limang local teams sa apat na araw na karera at ang resulta ay si Baler Ravina ng Go21 ang hinirang na kampeon habang sina Oscar Rendole ng Mail and More, Arnel Quirimit ng Go21 at isa pang Mail and More rider Joel Calderon ang nagwagi sa Stage One, Two at Four.

Makasaysayan ang bikathon na may ayuda rin ng Foton, Jinbei at WetShop dahil ginamit sa unang pagkakataon ang bagong ruta na kinakitaan ng tagisan ng mga kalahok sa bulubundukin ng Sierra Madre at Cor­dilleras na kilala bilang Northern Alps.

“It is a plain and simple proof that Filipino cyclist could be at par not only with Asia’s best but with the world’s,” wika ni Bert Lina na chairman ng Air21 at Godfather ng Philippine cycling.

Si Ravina na nakatuwang si Calderon na dinomina ang Stage Four na nagtapos sa Burnham Park sa Baguio City noong Martes ang nanalo sa indi­vidual title nang agwatan ng 16 segundo si Loh Sea Kong ng OCBC Continental team ng Singapore.          

Lalabas ang 30-anyos tubong Asingan, Pangasi­nan na si Ravina bilang ka­una-unahang local cyclist na nanalo sa karerang may basbas ng international body na UCI.

Bukod pa sa tatlong Filipino stage winners, si Rustom Lim ng American Vinyl/LPGMA ang nanalo bilang Best Young Rider at tumapos pa sa top ten sa overall kasama nina John Mark Galedo ng Smart-PhilCycling team, Irish Valenzuela ng American Vinyl/LPGMA at Rendole.

Ang American Vinyl/LPGMA din ang nanalo sa team classification.        

“The possibility of pro­du­cing world-class Filipino cyclists has presented itself in this Le Tour,” dagdag ni Dynamic Outsource So­­lutions, Inc. (DOS-1) pre­si­dent at organizer Gary Cay­ton.

AMERICAN VINYL

ANG AMERICAN VINYL

ARNEL QUIRIMIT

BAGUIO CITY

BALER RAVINA

BERT LINA

LE TOUR

MAIL AND MORE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with