^

PSN Palaro

Waves, Erasers nagsipanalo

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa Boracay Rum nang ma­itakas ang 67-65 panalo la­ban sa Cagayan Rising Suns, habang sinorpresa ng Erase Plantcenta ang mas pinaborang Jr. Po­werade na nangyari sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Trinity University of Asia.

Nakitang nawala ang 14 puntos na kalamangan, kumapit pa rin ang suwerte sa Waves nang sumablay ang lay-up ni Roger Malig-on sabay tumunog ang buz­zer para ilista ng tropa ni coach Lawrence Chongson ang ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong dikit na kabiguan.

Pinakamalaking bentahe ng Waves ay 48-34 na nangyari sa ikatlong yug­to pero nanlamig ang kanilang opensa dahilan upang makabangon ang Suns.

Isang 3-point play ni James Castro ang naglapit sa Suns sa 65-67, bago nakaagaw si Castro sa mahinang inbound pass ng Waves may 8 seconds sa orasan.

Pero kinapos ang lay-up ni Malig-on at lasapin ng rookie team ang ikalimang sunod na kabiguan.

    

BORACAY RUM

CAGAYAN RISING SUNS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

ERASE PLANTCENTA

ISANG

JAMES CASTRO

JR. PO

LAWRENCE CHONGSON

ROGER MALIG

TRINITY UNIVERSITY OF ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with