V-League sa PSA forum

MANILA, Philippines - Dalawang mala­king sum­mer events ang ta­talakayin sa PSA Forum ngayong umaga sa Sha­key’s U.N. Ave. branch.

Bibisita sina Ricky Pa­lou at Moying Martelino ng nag-oorganisang Sports Vision kasama sina Shakey’s Exe­cutive Vice-President at Chief Operating Officer Vic Gregorio at Shakey’s mar­keting manager Barbie Ocampo sa sesyon na isi­nasaere ng DZSR Sports Ra­dio 918 at inihahandog ng Smart, PAGCOR at Sha­key’s.

Dadalo din sa pang alas-10:30 ng umagang pro­grama si dating CHED chair­man at ngayon ay Pri­­vate Schools Athletic Association head Dr. Manny Angeles para sa PRISAA Na­tional Collegiate Games na nakatakda sa Abril 22-28 sa Cebu City.

Show comments