^

PSN Palaro

Pacquiao-Marquez IV maaaring itakda ni arum sa nobyembre

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kung muling hindi ma­pa­plantsa ang banggaan ni­na Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa Nob­­yembre ay maaaring isu­­long ng Top Rank Promotions ang ikaapat na pagha­ha­­rap ng Filipino boxing su­­­perstar at ni Juan Manuel Mar­quez.

“If Floyd Mayweather, Jr. is not available to fight Pacquiao this November, then we’ll do the Pacquiao-Marquez fight, ” sabi kahapon ni Bob Arum ng Top Rank sa pa­nayam ng Examiner.com.

Tatlong beses nang na­babasura ang negosasyon pa­ra sa Pacquiao-Maywea­ther mega-fight mula sa isyu sa prize money hanggang sa pagsailalim sa isang Olympic-style random drug tes­ting.

At nang hindi matuloy ang pakikipagkita kay Pacquiao, pinili ni Mayweather na hamunin si WBA light middleweight titlist Miguel Cot­to sa Mayo 5 sa MGM Grand sa Las Vegas, Neva­da.

Nagsagupa naman ang 33-anyos na si Pacquiao at ang 38-anyos na si Marqu­ez nang tatlong beses kung sa­an nanalo ang Sarangani Congressman sa kanilang huling pagtatagpo via ma­jo­ri­ty decision noong Nob­yembre 12, 2011.

Umaasa si Arum na pa­tuloy pa ring lalaban si Filipino world eight-division champion matapos magde­pensa ng kanyang WBO wel­terweight crown kontra kay Timothy Bradley, Jr. sa Hun­yo 9 sa MGM Grand.

May nagsasabing ka­kan­didato si Pacquiao bilang Gobernador ng Sarangani sa 2013.

Isang two-hour training sa kanyang MP Tower sa Maynila ang ginawa kahapon ni Pacquiao.

Idinepensa ni Pacquiao ang kanyang paglipat sa PDP-Laban ni Vice President Jejomar Binay mula sa Li­beral Party ni Pangulong Be­nigno ‘Noynoy’ Aquino III.

“Kung hindi ka tanggap dun sa kabila bakit mo ipag­si­sik­sikan ang sarili mo?,” sa­bi ni Pacquiao.

Sa kabila ng kanyang pag­­lipat ng political party, si­­nabi ni Pacquiao na susu­por­tahan pa din niya ang mga programa ni Pangulong Aquino.

BOB ARUM

FLOYD MAYWEATHER

IF FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MAR

LAS VEGAS

MIGUEL COT

PACQUIAO

PANGULONG AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with